Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang edukasyon ay mahalaga para sa aming mga kabataan. Ito ang magiging sandata namin sa buhay para sa magandang kinabukasan. Kami ay hinahasa sa aming kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan namin sa pagtanda. Ito rin ang nagiging daan na magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa iba't- ibang aralin at talakayan. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sapagkat ito ang bumubuo sa aming pagkatao at karangalan sa buhay. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ang siyang magdadala sa atin sa inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap, at sa kinabukasan. Nang magsimula ang pamiminsala ng Covid-19, maraming mga mag-aaral ang nawalan ng pag-asa na mgpatuloy sa pag-aaral. Sa kabila nito, bakit nga ba mahalaga pa rin na ipagpatuloy ang pag-aaral? - dahil ang oras ay patuloy na kumikilos at ang hinaharap ang ating patutunguha...