Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang edukasyon ay mahalaga para sa aming mga kabataan. Ito ang magiging sandata namin sa buhay para sa magandang kinabukasan. Kami ay hinahasa sa aming kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan namin sa pagtanda. Ito rin ang nagiging daan na magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa iba't- ibang aralin at talakayan.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sapagkat ito ang bumubuo sa aming pagkatao at karangalan sa buhay. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ang siyang magdadala sa atin sa inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap, at sa kinabukasan.
Nang magsimula ang pamiminsala ng Covid-19, maraming mga mag-aaral ang nawalan ng pag-asa na mgpatuloy sa pag-aaral. Sa kabila nito, bakit nga ba mahalaga pa rin na ipagpatuloy ang pag-aaral?
- dahil ang oras ay patuloy na kumikilos at ang hinaharap ang ating patutunguhan. Walang oras na dapat masayang, na kahit sa panahon ng pandemya ay may paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon.
Marami sa ating mga plano ang naantala at natigil dahil sa covid. Ngunit sa kabila nito, dapat pa rin nating alalahanin na gaya ng lahat ng bagay, may katapusan din ang pandemya at mababalik din sa dati ang lahat.
Lumipas man ang maraming taon, umabot man tayo sa katandaan, ang edukasyon ay mananatili, tatatak sa ating katauhan, sa puso at isipan. Ang Kahalagahan ng edukasyon ay dapat ibahagi sa iba, para sa ating mga kapwa estudyante na nawawalan ng pag-asa at ganang magpatuloy sa pag-aaral. Sa tulong ng ating kaalaman at sapat na edukasyon, lahat ng pangarap ay ating maaabot.